3Rs sa basura patuloy na kampanya ng SWMO- Naga

NAGA CITY- Bilang pagdiriwang sa National Zero Waste Month, maliban sa regular na pangongolekta ng basura araw-araw, puspusan ding nililinis ng Naga City Solid Waste Management Office (CSWMO) ang Bicol River katuwang ang City Environment and Natural Resources Office.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Engr. Joel Martin, Chief ng SWMO na maliban sa kanilang personahe, may mga volunteer na nakikipagtulungan sa kanila sa paglilinis ng mga kanal sa bawat barangay maging sa Bicol River pero nakikita nilang mas dumarami pa ang mga basura.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang pagsulong ng opisina sa 3R’s o ang Reduce, Reuse, Recycle at ng Waste Diversion Technology na sa ngayon ay nasa 63% na nilang naisasakatuparan, malapit na sa 75% na hinihingi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *