4.7 milyong Pilipino, nabakunahan na vs. COVID-19- DOH

Umabot na sa halos 4.7 milyong Pilipino ang nabakunahan na laban sa COVID-19. 

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakakapagbakuna na ng 170,000 indibidwal ang gobyerno kada araw. 

Binigyang diin ng opisyal na habang mayroong daily average na 170,000 shots ang bansa, ang target ay umabot sa 500,000 Pilipino ang mababakunahan araw-araw para umabot sa 50 milyon ang nabakunahan na sa katapusan ng taon. 

Gayunman, dedepende pa rin iro sa pagdating ng suplay ng mga bakuna na inorder ng bansa hanggang sa matapos ang taon.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), as of May 25, mahigit isang miilyong Pilipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19.

Sinabi ni National Taskforce (NTF) Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez na ang 4-million mark ay isang milestone sa National Vaccination Program. 

Nagpahayag din ng kumpiyansa ang opisyal na madodoble ng bansa ang figure at makakapagpabakuna ng mahigit apat na milyong katao hangga’t mayroong steady supply ng mga bakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *