4 cities sa NCR, malapit na sa downward trend ng kanilang COVID-19 cases – OCTA

Malapit na sa downward trend ng mga covid-19 cases ang apat na lungsod sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David, kabilang dito ang Navotas City, Las Piñas City, Malabon City at Pasay.

Sinabi ni David na malapit na sa 1 ang reproduction number ng mga nasabing lungsod, nangangahulugan aniya na pababa na ang mga kaso.

Nakapagtala rin sa negative one-week growth rate ang nabanggit na mga LGU’s.

Kailangan na lamang aniyang mapanatili ang kanilang pagsisikap upang hindi na tumaas pang muli ang mga kaso ng covid-19. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *