Local News

4 days antigen testing sa mga empleyado ng NIA-MARIIS HO, isinasagawa

Isinasagawa ng National Irrigation Administration- Magat River Integrated Irrigation System Head Office ang Antigen testing para sa kanilang mga empleyado na nagsimula na kahapon hanggang May 7,2021.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Administrative and Finance Division Manager Pilar Cabauatan ng NIA-MARIIS HO, nasa 98 na empleyado ng kanilang ahensya ang target na sumailalim sa naturang test.

Aniya, mula kahapon ay nasa 47 na empleyado na ang natapos kung saan negatibo ang naging resulta ng kanilang antigen test na isinagawa ni NIA-MARIIS HO Nurse Christine Joy Bumagat.

Ayon pa kay Admin Division Mngr. Cabauatan, layunin ng isinasagawang mass testing na matukoy ang mga empleyadong maaaring carrier ng COVID-19 upang maagapan ang posibleng transmission ng virus sa kanilang tanggapan.

Inihayag din niya na nasa 150 COVID-19 testing kits ang binili ng NIA-MARIIS para sa naturang aktibidad kung saan ang 25 dito ay nauna nang ibinigay sa Division ng Ramon matapos magkaroon ng mga empleyadong nagpositibo sa COVID-19 sa nakalipas na 2 linggo.

Nagkaroon na rin aniya ng pagpupulong ang kanilang ahensiya kasama ang mga division sa San Mateo, Ramon, San Manuel at Santiago City upang magsagawa rin ng kaparehong aktibidad.

BNFM Cauayan

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

6 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

6 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

6 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

7 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

7 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

7 hours ago