4 kabilang ang 1 kuwatro-anyos na bata, patay sa salpukan ng 2 tricycle at 1 pick-up sa Calamba, Laguna

Apat na miyembro ng isang pamilya ang napatay matapos magsalpukan ang dalawang tricycle at isang pick-up truck sa Calamba City, Laguna.

Nangyari ang insidente sa national highway na sakop ng Barangay Bucal ng nasabing lungsod.

Patay ang magkaka-anak na sakay ng tricycle kabilang na ang ama at ina ng pamilya, at dalawa nitong anak na edad kuwatro at onse.

Kritikal din ang dalawa pa nilang anak na isang walong taong gulang na bata; at isang labing-dalawang taong gulang na bata.

Sa ngayon, hawak na ng mga otoridad ang driver ng pick-up.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *