Uncategorized

4 katao nasawi matapos matabunan ng lupa sa nangyaring landslide sa Nueva Vizcaya

Patay ang apat na construction worker matapos matabunan ng lupa sa nangyaring landslide sa Sitio Naduntog, Tiblac, Ambaguio, Nueva Vizcaya noong umaga ng September 3, 2021.

Kinilala ang mga nasawi na sina Christopher Padua, 38-anyos, residente ng Barangay Sta. Rosa, Bayombong, Nueva Vizcaya; Rafael Villar, 42-anyos; John Retamola, 25-anyos, kapwa residente ng Barangay Ibung, Villaverd at Carlos Tome, residente naman ng Purok 7, Barangay Bonfal East, Bayombong.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PLt. Christian Vincent Tomas, Deputy Chief of Police ng Ambaguio Police Station, sinabi niya na dakong alas-8:30 ng umaga kahapon nang mangyari ang naturang pagguho ng lupa.

Aniya, nagtungo sa site ang mga biktima at ang iba pang kasamahan nila upang gumawa ng concrete slope protection wall para maiwasan ang landslide sa lupaing pagmamay-ari ng isang John Vic Viernes, 39-anyos at residente ng Barangay Don Mariano Perez, Ambaguio.

Habang naghuhukay umano ng pundasyon ng concrete wall ay hindi namalayan na biglang gumuho ang lupa at tuluyang natabunan ang apat ng biktima ng mahigit 6-meter na kapal ng lupa.

Kaagad namang rumisponde ang mga kasapi ng PNP Ambaguio, BFP, MDRRMO at Tam-an rescue team para sa retrieval operation.

Bandang ala-1 na ng hapon ng matapos ang paghuhukay sa katawan ng mga biktima kung saan unang narekober ang tatlong biktima na aksidenteng matamaan ng backhoe at mapugutan ng ulo.

Dinala naman ang katawan ng mga biktima sa isang punerarya.

Ayon pa kay PLt. Tomas, nagkaroon na ng initial na pag-uusap ang pamilya ng mga biktima at si Viernes kung saan binayaran na umano nito ang funeral fees at magbibigay ng financial assistance.

BNFM Cauayan

Recent Posts

Pamunuan ng Brgy. Kalaklan nananawagan sa sinumang nagmamay-ari ng bumaluktot na poste sa may parola

Nananawagan ngayon ang pamunuan ng Brgy. Kalaklan, Olongapo sa sinumang kompanyang nagmamay-ari ng poste na…

10 mins ago

16 Kapamilya dako ang kalipay ug pasalamat nga gi-aksyonan sa barangay ang ilang hangyo mahitungod sa ilang tubig.

Dako ang kalipay sa 16 ka mga pamilya homan gi-askyonan sa brgy.ang ilang hangyo mahitungod…

15 mins ago

Tatlong mga kalalakihan tiklop sa isinasagawang Buy bust Operation

TIKLO ang tatlong kalalakihan na tinaguriang Street Level Individual (SLI) sa isinagawang buy-bust operation ng…

1 hour ago

F2F classes sa ilang paaralan sa Albay, suspendido pa rin dahil sa mataas na heat index

LEGAZPI CITY – Suspendido pa rin ngayong araw ang on-site o face-to-face classes sa mga…

1 hour ago

Pamilya sa POI sa pagpatay sa bata, nagpagula og sentimyento

NAGPAGAWAS og sentimyento ang pamilya sa pipila ka gikonsiderang Persons Of Interest (POI) sa pagpatay…

1 hour ago

25th T’nalak Festival, inilunsad

KORONADAL CITY – INILUNSAD na ang ika-25 nga T’nalak Festival at ika – 58 foundation…

1 hour ago