4 katao; sugatan sa aksidente sa lansangan sa Cabatuan, Isabela

Nasa maayos nang kalagayan ang apat na katao matapos magulungan ng isang tricycle ang sumemplang na motorsiklo sa Tandang Sora road, Brgy. Macalaoat, Cabatuan, Isabela.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PLT. Florencio Molina Jr, Deputy Chief of Police ng PNP Cabatuan, kinilala ang tsuper ng single motorcycle na si Jerome Morales, 21-anyos at residente ng Brgy. Sampaloc, Cabatuan, Isabela.

Habang kinilala naman ang tsuper ng tricycle na si Bonifacio Apili, 43-anyos kasama ang dalawang angkas nitong kababaihan na pawang residente ng Brgy. Del Corpuz, Cabatuan.

Batay sa kanilang pagsisiyasat, binabaybay ni Morales ang naturang daan patungo sa poblacion ng Cabatuan habang patungo naman sa kasalungat na direksyon ang tricycle.

Base aniya sa pakikipag-ugnayan nila sa mga nakasaksi at sa pahayag ni Morales, habang binabagtas niya ang lansangan ay umiwas umano siya sa mabakong bahagi ng daan ngunit sumemplang at natumba sa gitna ng lansangan.

Dito naman aksidenteng madaaanan ng paparating na tricycle dahilan upang matumba.

Nagtamo ang mga sakay ng tricycle ng minor injury sa ulo at gasgas sa katawan maging ang tsuper ng motorsiklo.

Dinala naman ang mga nasugatan sa pagamutan upang malapatan ng lunas habang nakatakda naman umanong mag-usap ang dalawang panig sa himpilan ng PNP Cabatuan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *