4 katao, tiklo sa drug buy-bust ops sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Tiklo ang apat na katao sa isinagawang drug buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Albay sa Purok 2, Brgy. Peñaranda, lungsod ng Legazpi.

Ayon sa PDEA, pinakatarget ng operasyon si Allan Copiaco Ramos, 38 anyos, welder na inaresto matapos pagbentahan ang poseur buyer ng isang pakete ng pinaniniwalaang “shabu”, at naaktuhan ding gumagawa ng pot session ang tatlo pang mga kasamahan nito na sina: Ronaldo Amador Sarundo, 65 anyos, cellphone technician, residente ng Purok 2, Brgy. Bitano; Jomark Arao Macalla, 40 anyos, laborer, residente ng Purok 3, Brgy. Peñaranda; at Anthony Blanca Jamaica, 18 anyos ng Purok 2 ng kaparehong barangay.

Narekober sa kanila ang humigit-kumulang 15 gramo ng shabu na nagkakahalagang mahigit PHP39,000.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA Albay ang mga suspek at inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *