4 mga backhoe para sa mga irigasyon, inaasahang makakatulong sa mataas na produksyon ng palay

CAMARINES SUR- Apat na mga backhoe ang natanggap ng Irrigation Management Office (IMO) –Camarines Sur, malaking tulong ito sa patubig at sa gayun ay mapataas pa ang produksyon ng palay sa lalawigan.

Ito ang sabi sa Brigada News FM Naga ni Engr. Luis Bragais matapos ang turn over ceremony ng walong mga backhoe units sa National Irrigation Adminstration (NIA)- Bicol. Aniya nakatutok ngayon ang pamahalaan sa mga magsasaka, buhos ang suporta para masigurado na maraming suppy ng bigas at mapababa ang presyo sa merkado.

100% nang handa ang NIA sa posibleng epekto ng El Niño Phenomenon. Dagdag ni Bragais, hindi na lamang sa patubig nakatutok ang kanilang tanggapan, kundi pati na rin sa abono at iba pang pangangailangan ng mga magsasaka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *