4 milyon na plastic license cards parating na, ayon sa LTO

Inabot na ng katapusan  ng 2023 ang backlog ng LTO sa plastic na lisensya pero ang good news rito may paparating ng apat na milyong plastic card license.

Sinabi ng LTO na inihahanda na nila ito para ipakalat sa buong bansa upang hindi na papel ang matatanggap na lisensya dahil maibabalik na ang mga plastic cards.

Kada taon anim at kalahating milyong bagong lisensya ang iniisyu ng LTO dahil sa accelerated bidding na pinasok ng ahensya.

Pangako ngako ng LTO na hindi na magkakaroon ng backlog tulad ng dati.

Nangako din ang LTO sa mga bibili ng mga bagong sasakyan, na tatlong araw bago makuha ang sasakyan makukuha na rin dapat ang kanilang bagong plaka, OR /CR.

Sakaling hindi matanggap sa loob ng tatlong araw ang plaka, OR/CR ay maglalabas agad ang ahensya ng show cause order.

Paglilinaw naman ng LTO sa balitang pag-relax sa pagpapatupad ng “no registration, no travel policy” hindi na ngangahulugan na hindi ito ipapatupad.

Magbibigay lang muna sila ng warning sa lahat ng mga sasakyan na bumabyahe na walang plaka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *