4 na empleyado ng Makati, naghain ng reklamo matapos makandado sa park

Naghain ng reklamo sa Taguig Prosecutor’s Office ang apat na empleyado ng Makati LGU laban sa ilang opisyal ng Taguig.

Ayon kay Atty. Joey Lazarte tumatayong abogado ng mga ito, kabilang sa sinampahan ng kasong illegal detention at grave coercion si Mayor Lany Cayetano, tatlo pang kawani ng lokal na pamahalaan ng Taguig at John at Jane Does.

Paliwanag ni Atty Lazarte, ito’y matapos ang nangyaring pag-padlock o pagkandado umano sa mga empleyado sa ipinasarang Makati Park and Garden nitong Linggo.

Wala raw warning o babala man lang na ibinigay umano sa kanila ang mga tauhan ng lokal na pamahlaan na sila’y makukulong sa loob ng parke.

Nilinaw ng abogado, na ang paghahain nila ng reklamo laban sa mga opisyal ng Taguig ay personal nilang desisyon.

Patuloy pang kinukuha ng Brigad News Fm ang panig ng Taguig Lgu kaugnay ng naisampang kaso

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *