4 na estudyante at isang construction worker, huli sa drug buy-bust operation sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Arestado ang apat na estudyante at isang construction worker sa drug buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Albay sa Purok 1, Brgy. Oro Site, Legazpi City nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Simon”, 25 anyos, alyas “Andrew”, 20 anyos, alyas “Gerry”, 18 anyos, alyas “Ramil”, 19 anyos, lahat ay residente ng nasabing barangay at si alyas “Raymond”, 24 anyos, residente ng Brgy. Kawit East Washington drive ng kaparehong lungsod.

Sa operasyon ng PDEA Albay kasama ang Legazpi City PNP, nakumpiska ang nasa humigit-kumulang 12 grams ng hinihinalang “shabu” na nagkakahalagang PHP37,000.

Kasama rin sa mga narekober ang limang piraso ng genuine PHP100 bill, kahon ng posporo, dalawang aluminum strip na may tirang “shabu”, at iba pang non-drug items.

Ang mga suspek ay nasa kostudiya na ng PDEA Albay habang inihahanda ang kasong isasampang sakanila na paglabag sa Section 5, 6, 7, 11, 12 at 15, Art. II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *