4 na mahalagang kasunduan ng Pilipinas at Japan nilagdaan na

Nilagdaan ng Pilipinas at Japan ang apat na mahahalagang kasunduan ng dalawang bansa matapos ang bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Prime Minister Fumio Kishida.

Kabilang sa mga ito ay ang official assistance mula sa Japan na exchange of notes sa Non-Project Grant Aid (NPGA) at implementation at disaster quick response sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Kasama din sa nilagdaan ang kasunduan ng dalawang bansa para sa mas malalim na bilateral relations partikular na sa maritime domain awareness at disaster response.

Ang lagdaan ng mga kasunduan ay inaasahang mas magpapatibay sa kooperasyon, relasyon at pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *