4 na mangingisda, huli dahil sa paggamit na ipinagbabawal na compressor

Arestado ang apat na mangingisda nang maaktuhan na gumagamit ng ipinagbabawal na compressor sa karagatan ng Brgy. Apo Aporawan, Aborlan, Palawan kahapon, Ika-2 ng Pebrero.

Ang mga ito ay sina Arc Angel Bantog, July Tariano, Rodrigo Pilapil at Aldren Casquejo parehong residente ng nabangit na bayan.

Nakuha sa mga ito ang compressor, 80 metro na hose at iba pang kagamitan.

Samantala, ang mga mangingisda ay nahaharap sa paglabag sa Palawan Provincial Ordinance 819 o ang pagbabawal sa paggamit ng compressor sa pangingisda.

Courtesy: Palawan Provincial Police Office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *