4 na minor firecracker injuries sa Olongapo City naitala ng JLGMH

Nakapagtala ang James L. Gordon Memorial Hospital ng apat na firecracker incidents sa Olongapo City.

Ito ay noong December 31, bago ang taong 2024 na pawang mga minor injury lamang umano.

Ayon kay Hospital Chief Dr. Jewel Manuel, sa nasabing bilang ay isa dito ang siya mismong nagpaputok habang ang tatlo ay mga passive victims o tinamaan lamang.

Samantala, ang mga ito ay edad 9-anyos, 17-anyos, 39-anyos at 52-anyos na agad ring nakauwi.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *