4 na most wanted person arestado matapos magtago ng mahigit 6 na taon

SORSOGON CITY – Sa pag-aakalang limot na ng batas ang krimen na kanilang nagawa, biglang bumalik sa kanilang lugar ang apat na indibidwal na wanted sa bayan ng San Pascual, Masbate.

Sa pahayag sa Brigada News ng imbestigador ng nasabing kaso na si PSSgt Mc Donald Casi, sinabi nito na ang apat na wanted ay may kasong murder na nangyari noong taong 2015 pa.

Pinagpapalo umano ng matigas na bagay sa ulo ng nasabing grupo ang kanilang biktima hanggang sa bawian ito ng buhay. Sabay-sabay din na tumakas ang mga ito matapos ang krimen.

Sa pag-aakalang limot na sa nasabing lugar ang krimen, biglang umuwi ang mga ito sa kanilang lugar sa Sitio Taberna, Brgy Mabuhay ng nasabing bayan at namataan agad ng mga masigasig na Intel operatives ng San Pascual Police.

Sabay-sabay din na hinainan ng kani-kanilang warrant of arrest sina Jessie Hamili Nacion, 26 anyos, may asawa, construction worker at rank No. 1 MWP; Arnel Garbo Escarlan, 27 anyos, may asawa, construction worker, No.2 MWP; Mark Laila Arma, 24 anyos, may asawa, heavy equipment driver, No.3 MWP at Erol Garcia Avila, 25 anyos, binata, factory worker at rank No.4 MWP, lahat residente ng nasabing barangay.

Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso ng nasabing grupo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *