4 na munisipyo sa Masbate, tinukoy ng ADAC bilang ‘Highly Functional’ sa pagprotekta laban sa iligal na droga

Matapos mailabas ang resulta ng Anti-Drug Abuse Council (ADAC) audit, apat na munisipyo sa lalawigan ng Masbate ang pinangalanan bilang ‘highly functional’ sa pagprotekta ng kani-kanilang bayan laban sa iligal na droga.

Ang titulong ito ay pinagkaloob sa mga LGUs ng Pio V Corpus, Mobo, Milagros at San Pascual.

Ang mga bayan na nabanggit ay napatunayang mataas ang pagganap at nakamit ang passing score ng mga pamantayan ng awarding criteria kasama ang kanilang pagsisikap sa barangay drug clearing.

Gaya ng nakasaad sa ilalim ng DILG Memorandum Circular 2023-062, tinasa ng audit ang bawat LGU ayon sa mga sumusunod na pamantayan: Organization of Local ADAC, Conduct of ADAC Meetings, Allocation of Funds for Anti-Illegal Drug Activities, Formulation and Implementation of ADAC Plans and Programs, Supervision and Support to Component ADACs, and Innovation/s.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *