4 na siyudad, makatatanggap ng Pfizer vaccine sa Batangas

Batangas City -Tiniyak ng Department of Health Batangas na makatatanggap ng Pfizer vaccine ang apat na siyudad sakop ng lalawigan base sa pagpupulong ng IATF ng lalawigan ngayong araw.

Sa pag-uulat na inilatag ng DOH Batangas, tiniyak nito na makatatanggap ng Pfizer vaccine ang Batangas City, Tanauan City, Lipa at Sto Tomas City sa susunod na linggo.

Sinisigurado na lamang ng DOH ang paglalagakan ng nasabing vaccine na nangangailangan ng ultra low temperature freezer at nabanggit na Batangas City at Tanauan City pa lamang ang meron nito habang hinihintay pa ang abiso ng mga lokal na pamahalaan ng Lipa City at Sto. Tomas.

Sa Pfizer vaccine na ito, sinigurado din ng DOH Batangas na mga kwalipikadong indigents ang mababakunahan ng mga naturang bakuna base na din sa kautusan ng pamahalaang nasyunal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *