4-patay kabilang ang piloto sa pagbagsak ng Cessna plane sa SouthWest, Virginia

APAT ang kumpirmadong nasawi kabilang ang piloto sa pagbagsak ng isang Cessna plane sa SouthWest, Virginia.

Ayon sa Federal Aviation Administration, hindi pa tukoy sa ngayon ang pagkaka-kilanlan ng mga biktima ngunit kumpirmado umanong walang ni isa man sa mga sakay ng eroplano ang nakaligtas.

Sa kasalukuyan, kabilang sa mga tinitingnang sanhi o dahilan ng pagbagsak ng Cessna Citation 560 ang engine, lagay ng panahon, maintenance records at maging ang kwalipikasyon ng piloto.

Batay naman sa statement ng North American Aerospace Defense Command, sinubukan pang kontakin ng U.S military ang piloto bago nangyari ang insidente ngunit wala na silang nakuhang tugon mula dito.

Ang naturang eroplano ay nag take off mula sa Elizabethton Municipal Airport sa Elizabethton, Tennessee at patungo sana sa Long Island MacArthur Airport sa New York.### JUMEL DELA ROSA, (Reuters)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *