Patay ang 4 na sakay ng isang kotse matapos umanong bumangga sa isang truck ngayong araw, Agosto 17.
Ayon sa naging eksklusibong panayam ng Brigada News FM Lucena sa driver ng naturang truck, bandang mag-aalas 3:00 ng umaga habang binabagtas niya umano ang kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Calumpang nang bigla umanong may sumabog na sa pag aakala niya ay gulong ng truck. Dahan dahan umano niyang itinatabi ang truck na minamaneho upang icheck ito, ngunit ng kanya umanong silipin ang side mirror ay duon niya napag alamang may kaladkad na itong kotse.
Kaugnay nito, agad namang rumesponde ang mga personahe ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Sariaya, MDRRMO Tayabas, Burea of Fire Protection (BFP) Tayabas at PNP Tayabas.
Sa gitna nito, 2 sa mga biktima na pawang nakaupo sa likurang bahagi ng kotse ay kinilalang sina Mikaela Solomon at Juan Carlos Alvarez na pawang mga taga Candelaria base sa ID na nakuha sa mga ito.
Kasalukuyang pang inaalam ang pagkakakilalan ng lalaking driver ng kotse at isa pang babaeng biktima pati na rin ang sanhi ng naturang aksidente.
Samantala, dinala naman ang mga labi ng mga biktima sa Quezon Medical Center. | via Nhiecole Abejo/BNFM Lucena
Simula bukas ay maguumpisa na ang 'Car-free Sundays' sa Maynila, 'o 'yung pagbabawal sa mga…
Wala umanong itinatago si dating Philippine National Police (PNP) chief Retired PGen. Oscar Albayalde sa…
Sinagot ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Bienvenido Laguesma ang naging paratang ni…
Tumama sa earth ang pinakamalakas na solar storm sa nakalipas na 2 dekada. Dahil dito…
Ibinunyag ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela ang…
Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naulila ng isang 10-anyos na…