Local News

BFP Sorsogon City, wagi bilang Best City Fire Station sa buong bansa

SORSOGON CITY – Tinanghal na Best City Fire Station sa buong bansa ang Bureau of Fire Protection (BFP) Sorsogon City sa isinagawang awarding ceremony noong Agosto 15 kaalinsabay ng pagdiriwang ng BFP 31st Anniversary na may temang ‘’Bumberong Makabayan, Modernong Serbisyo Alay sa Mamamayan.’’  

Nakuha ng BFP City ang pinakamataas na marka para sa nasabing search kung saan naging batayan ang mga naimplementang Fire Protection Program ng nasabing fire station, overall appearance ng City Fire Station at personnel readiness na nakabatay sa Revised Bureau of Fire Protection Programs on Awards and incentives for Service Excellence o BFP-PRAISE.

Malaking ambag din para masungkit ang nasabing parangal ang mahusay na paggampan ng mga personnel ng BFP City ng kanilang trabaho.

Ang parangal ay ginanap sa Sotogrande Davao Hotel, Ma-a Davao City kung saan ang plake ay tinanggap ni BFP Sorsogon City Fire Marshal Dan Caceres.

Samantala, nagpaabot naman ng kanyang pagbati ang alkalde ng lungsod na si Hon. Ma. Ester Hamor kasabay ng pagtitiyak ng patuloy na suporta ng City Government sa lahat ng mga aktibidad at programa ng nasabing fire station.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

21 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

21 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

21 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

21 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

21 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

22 hours ago