40 nadagdag sa bagong kaso ng covid-19 sa Zambales

ZAMBALES- Nakapagtala kahapon ng 40 bagong positibong kaso ng covid-19 ang lalawigan ng Zambales.

Dahil dito umakyat na sa 2,304 ang bilang ng kabuuang confirmed cases ng probinsiya.

Kaugnay nito, labindalawa ang nadagdag sa recoveries kung saan pumalo na sa 1,962 ang nakakarekober habang nananatili sa 53 ang death.

Paalala pa rin ng Inter-Agency Task Force sa mamamayan na sundin ang health protocols para hindi na dumami pa ang bilang ng tinatamaan ng virus.

Matatandaan na kahapon rin ay nag-umpisa na ang Phase 1 reopening ng turismo sa lalawigan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'Symptoms of STRESS Stomach Ache and Increased Acid Reflux Breathing Increased Heart Rate Muscle Pain Heado Headaches Grinding Teeth Y Low Energy Inso mia Power Powr Cells SOYA COFFEE'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *