40 Pilipinong nakatawid sa Gaza – inaaasahang makababalik na ng Pilipinas sa Biyernes

Kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Usec. Eduardo de Vega na ligtas nang nakatawid ang 40 na mga Piipino sa Gaza.

Sabi ni de Vega – sa naturang bilang ay kabilang ang dalawang buntis, at tatlong mga infants.

Inaasahan namang makababalik na sila ng bansa sa araw ng Biyernes.

Mayroon namang anim na mga Pilipino ang nagdesisyong manatili sa Gaza at posibleng sumabay sa iba pang mga batch ng tatawid sa border.

Bago ito – una nang nagpasalamat sa pamamagitan ng isang video message si Pangulong Bongbong Marcos.

Aniya, papunta raw sila sa Cairo kung saan sila magmumula pabalik ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *