400K na karagdagang license card, natanggap ng LTO ngayong araw

Natanggap ng Land Transportation Office o LTO ang karagdagang 400 thousand na license card ngayong araw.

Sa Bagong Pilipinas Program, sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza nasa 2.4 million na ang kabuuang bilang ng mga license card na ang nai-deliver sa kanilang ahensya.

At 800 thousand na lang natitira na inaasahang maide-deliver sa mga susunod na linggo.

Maliban dito meron pa anyang 6.4 cards ang LTO kaya natitiyak nilang sapat ang supply ng mga license card hanggang matapos ang kasalukuyang taon.

Habang tuloy-tuloy rin ang pag manufacture ng LTO ng mga plaka ng sasakyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *