40B pondo, kailangan sa Food Stamp Program ng pamahalaan

Mangangailangan daw ng humigit-kumulang P40 billion pesos ang full implementation ng food stamp program ng pamahalaan kung saan target nito ang 1 milyong mahihirap na pamilyang Pilipino.

Ayon kay Social Welfare Undersecretary Edu Punay,  mayroon nang naibigay na $3-million grant ang Asian Development Bank para sa technical assistance ng pilot program nito na magsisimula sa susunod na buwan at tatagal hanggang Disyembre.

Ang pilot program ay nangangailangan ng hindi bababa sa P12 bilyon , na sumasaklaw sa 300,000 na pamilya.

Sinabi ng DSWD undersecretary, patuloy silang naghahanap ng iba pang mapagkukunan ng pondo para tustusan ang programa.

Noong nakaraang buwan, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ang food stamps program ay magsisimula sa unang quarter ng 2024.

Sabi ni Punay,  maaaring isama ng gobyerno ang usaping ito sa national budget para sa susunod na taon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *