41-anyos na lalaki, pinagbabaril-patay sa Mulanay, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng hindi pa natutukoy na suspek sa Barangay Magsaysay, Mulanay, Quezon nitong Miyerkules, Pebrero 28.

Ayon sa police report, bandang alas-12:00 ng hatinggabi, natutulog umano noon ang biktimang si Roque Goiz, 41-anyos nang dumating ang suspek saka pinagbabaril ito.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima subalit nagawa pa nitong makatakbo at binawian na ng buhay sa labas ng kanyang tahanan.

Agad namang tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Samantala, kasalukuyang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *