41 anyos na lalaking tulak ng iligal na droga, arestado sa buy-bust ops sa Ligao City

LEGAZPI CITY – Arestado ang 41 anyos na lalaking tulak ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Purok 1, Brgy. Nasisi, lungsod ng Ligao, Albay.

Kinilala ang suspek na si Felix Antonio Achaval, walang trabaho at residente ng Brgy. Bay ng nasabing lungsod.

Ayon kay PDEA Albay head Noel Briguel, noong isang taon pa lang, mino-monitor na nila ang galaw ng suspek.

Ngayon lamang nahuli matapos kumagat sa pain nang pagbentahan ang poseur buyer ng isang pakete ng pinaniniwalaang “shabu” sa halagang PHP500.

Narekober dito ang dalawang piraso ng nasabing item na may timbang na humigit-kumulang 10 gramo na nagkakahalagang PHP30,000.

Sa ngayon, hawak na ng PDEA ang suspek at kasalukuyang inihahanda ang kasong isasampa laban sakanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *