41 construction workers na na-trap sa tunnel sa India, ligtas na

Nailigtas na matapos ang 17 araw ang mga construction workers na na-trap sa ginagawang tunnel sa India.

Ikinatuwa ni Minister of Road Transport Nitin Gadkari na kumpletong nakalabas at ligtas ang mga na-trap na manggagawa.

Aniya, nagbunga ang rescue operations ng iba’t ibang ahensya sa nasabing bansa.

Ang ginagawang tunnel ay bahagi ng Chardam road project, isang apat na kilometrong lagusan ang ginagawa na nagkokonekta sa Silkyara sa Dandalgan.

PHOTO COURTESY: REUTERS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *