41 na indibdiwal arestado sa isang linggong ACLEO ng Sorsogon PNP

Nasa kabuuang 41 na indibidwal ang naaresto sa isang linggong Anti-Criminality Law Enforcement Operations ng Sorsogon Police Provl Office (SPPO).

Ipinakita sa datos na mula Hunyo 9 hanggang 15 ay matagumpay na naisagawa at naipatupad ang isang linggong accomplishment ng ahensya laban sa illegal na droga, sugal, loose firearms at mga naarestong wanted persons sa lalawigan.

Sa dalawang anti-illegal drug operations na isinagawa, apat na ‘tulak’ ang naaresto at nakumpiska dito ang 10gramo ng shabu at 5gramo ng Marijuana na may halagang P71, 750.00.

Sa iba pang accomplishment report, naaresto ang 11 indibidwal sa anti-illegal gambling operations, tatlong indibdiwal sa anti-illegal logging habang may kabuuang 8 indibidwal ang naaresto sa anti-illegal fishing operations.

Sa manhunt operations naman ay naaresto ng Sorsogon PNP ang isang most wanted person at 14 na other most wanted person at sa kampanya sa loose firearms, nakapagkumpiska ang mga awtoridad ng 10 baril sa ikinasang 8 illegal possession of firearms operation.

Ang pamunuan ng Sorsogon PNP ay seryoso sa pagsugpo sa lahat ng iligal na gawain sa lalawigan upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan tungo sa kaunlaran ng mamamayan ng Sorsogon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *