41,000 kilos ng repolyo at iba pang gulay, naibenta sa kadiwa stores

Umabot na sa 41, 000 kilos ng repolyo at iba pang gulay ang naibenta sa mga KADIWA stores sa pamamagitan ng Agribusiness and Marketing Assistance Division, Research Centers and Experiment Stations, at mga kooperatiba.

Isinagawa ang ganitong hakbang matapos makitaan ng oversupply ng mga aning repolyo, Chinese petchay at iba pang agricultural products.

Batay sa monitoring ng AMAD sa isang linggo ay humakot na ng 41, 000 kilos ang naibenta mula nang ilunsad ang buying rescue program ng DA.

Kaugnay dito, 28, 000 kg ang naibenta sa Isabela, 11,000 kg sa Cagayan at 1, 460 kg sa Quirino.

Ayon sa DA Regional Field office 2 patuloy na isasagawa ang buying rescue program upang maiwasan ang pagtatapon sa sobra-sobrang suplay ng mga gulay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *