42 anyos na lalaki huli sa buybust operation

CAMARINES NORTE- Naaresto ang isang 42-anyos na  lalaki ng pinagsanib na puwersa ng mga otoridad sa ikinasang buybust operation sa alas 5:00 ng hapon, Hunyo 3, 2021 sa P-5, Barangay Sto Domingo, Vinzons, Camarines Norte.

Ang nasabing suspek ay kinilalang si Arvin Estacion y Bang, isang mekaniko, at residente ng P-2 Barangay Lag-on, Daet, Camarines Norte.

Nakuha kay ESTACION ang mga sumusunod na ebidensya: Isang (1) pirasong maliit na pakete ng shabu (buy bust drug), tatlong (3) pirasong maliliit na pakete ng hinihinalang shabu, apat (4) na piraso ng Isang libong Piso (Php1,000) , Isang (1) pirasong Singkwenta pesos (Php50.00) at isang (1) pirasong limang daang piso (Php 500.00) na.may serial number na CL700306 (buy-bust money).

Ang arestado kasama ang mga nakumpiskang ebidensya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Vinzons MPS para sa kaukulang disposisyon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *