42 establisemento, inisyuhan ng notice ng SSS

KORONADAL CITY – NASA 42 na mga establisemento komersyal na sakop ng Social Security System o SSS South Mindanao II Division ang inisyuhan ng notice dahil sa ilang mga paglabag.

Ito ay sa pamamagitan ng isinagawang Run After Contribution Evaders o RACE campaign ng ahensya kamakailan lang.

Ayon kay Senior Communications Analyst Noel Nacion na ang RACE ay isang regular activity ng SSS kung saan pinupuntahan at binababaan ng order ang mga employers upang sagutin ang kanilang mga bayolasyon katulad ng nonpayment o non-remittance ng premium at non-enrollment sa kanilang mga empleyado.

Dito, pinapaalala sa mga employers ang kanilang obligasyon na ipa-enrol ang mga trabahante sa SSS at bayaran ang premium contribution. Umabot sa P 14 million ang kabuuang halaga ng hindi nabayarang premium ng mga empleyado ng naturang mga establisemento.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *