44 na magsasaka sa Cauayan City, nabigyan ng tilapia fingerlings

Nakatanggap ng tilapia fingerlings ang 44 na farmer beneficiaries sa lunsod ng Cauayan bilang ayuda para sa mga fishpond owner-operator na naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Dulce Dela Cruz, ang fishery coordinator ng City Agriculture Office, sinabi niya na nakatanggap ang bawat-isa sa mga benepisaryo ng tig-2,000 piraso ng fingerlings.

Aniya, noong mga nakaraang bagyo ay nagreport sila ng pinsala kung saan ito na ang ibinabang karagdagang tulong upang manumbalik sa pag-aalaga ng tilapia ang mga apektadong magsasaka.

Kaugnay nito ay nagsasagawa rin aniya sila ng monthly monitoring sa produksyon ng mga nabigyan at isinusumite ito sa kagawaran.

Samantala, sa mga interesado aniyang mag-alaga ng tilapia o mga nag-aalaga na ay maaaring magtungo lamang sa kanilang tanggapan upang maipasok sa data base ng Bureau of Agriculture and Fishery para maisama sa mga programa o serbisyo ng kanilang tanggapan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *