45 patay sa banggaan ng tren sa Pakistan

Tinatayang aabot sa 45 tao ang patay habang marami ang sugatan matapos ang banggaan ng dalawang tren sa Southern Pakistan.

Ayon sa report, sangkot sa insidente ang Sir Syed Express train at Millat Express.

Maliban sa mga nasawi at nasugatan, naging pahirapan din ang pag-rescue ng mga otoridad sa 17 tao na na-trapped.

Nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga namatay si Pakistani Prime Minister Imran Khan sa pamamagitan ng Tweeter kasabay ng pangakong imbestigasyon sa nangyari at para matiyak ang kaligtasan ng mga railways.

Ipinag-utos na din ni Minister for Railways Azam Khan ang malalimang imbestigasyon sa tunay na dahilan ng train crash kung saan tiniyak niyang maglalabas ng resulta sa loob ng 24 oras.

Matatandaan na base sa mga reports, isa ang Pakistan sa mga mayroong “poor” safety record sa kanilang mga railways

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *