46 depektibong timbangan winasak

Ipinakita ng DTI Zambales ang ginawang pagwasak kahapon sa mga nakumpiskang depektibong timbangan sa palengke.

Pinangunahan ng DTI Zambales, Consumer Affairs Council, Local Government ng Castillejos, Zambales at Local Price Coordinating Council ang pagsira ng mga ito kahapon sa Pamilihang Bayan.

Ayon sa DTI, ang mga timbangan ay nakumpiska noong nagsasagawa ng Ikot Palengke Program ang kagawaran.

Ang Ikot Palengke program ay inisyatibo ng DTI para masiguro ang proteksyon ng mga mamimili laban sa hindi patas na kalakalan at proteksyon ng mga konsyumers.

Hinihimok ng DTI ang lahat na maging matalino, mapanuri at disiplinadong mamimili.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: DTI-Zambales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *