47-anyos na babae, patay matapos barilin sa Candelaria, Quezon

Patay ang isang 47-anyos na babae matapos itong barilin sa Barangay Malabanban Norte, Candelaria, Quezon nitong Sabado, Marso 2.

Ayon sa police report, nasa loob noon ng kanyang bahay ang biktimang si Elizabeth Sabalboro, 47-anyos, nang dumating ang hindi pa nakikilalang suspek saka binaril ito sa ulo.

Isinugod pa sa hospital ang biktima matapos magtamo ng tama ng bala subalit idineklara rin itong dead on arrival habang tumakas naman ang suspek matapos ang insidente.

Samantala, kasalukuyang nagpapatuloy ang isinasagawang operasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang suspek at ang motibo nito sa pamamaril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *