4,700 kliyente, natulungan ng PSWDO So.Cot noong Enero

KORONADAL CITY – NASA 4,700 na mga indigent na mga mamamayan ang natulungan ng provincial government ng South Cotabato sa ilalim ng Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO noong buwan lamang ng Enero nitong taon.

Pinakamarami sa mga ito ay benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS na umabot sa 2,523 at Indigent Hospital Funds na umabot sa 1,662. Samantala, 385 naman na mga kliyente ang nabigyan ng Mortuary Assistance, 139 sa financial assistance at 15 ang nabigyan ng bigas. Kada araw, 200 mga indigent na mga mamamayan ang tinutulungan ng PSWDO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *