48-anyos na lalaki, patay sa pamamaril sa Candelaria, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng dalawang (2) hindi pa natutukoy na suspek sa Barangay Mangilag Sur, Candelaria, Quezon nitong Linggo, Pebrero 18.

Ayon sa police report, nakatayo noon sa gilid ng kalsada ang biktimang si alyas “Virgilio”, 48-anyos, nang dumating ang mga suspek at walang anu-ano itong pinagbabaril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Dead on arrival sa hospital ang biktima habang ang suspek naman ay tumakas matapos ang insidente.

Samantala, kasalukuyang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *