4,842 new COVID-19 cases; Active cases, lalo pang bumaba sa 53,214

Naiulat ng Department of Health (DOH) ang 4,842 na mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019, dahilan para sumipa ang total tally sa 1,118,359.

Hindi naman kasama sa bilang ang datos mula sa limang laboratoryo na bigong makasumite ng kanilang report, on time.

Kaugnay nito, bumaba pa ang bilang ng mga active cases sa 53,214, kung saan 93% ang mild, 2.4% ang asymptomatic, 1.9% ang severe, at 1.4% ang nasa kritikal na kondisyon.

Inanunsyo rin ng DOH ang kabuoang recoveries na 1,046,431, matapos maitala ang 8,312 na mga bagong nakarekober mula sa respiratory disease, habang ang death toll ay tumaas sa 18,714, matapos madagdagan ng 94 na bagong fatalities. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *