48k, posibleng masawi sa 7. 2 na lindol sa greater NCR Area – PHIVOLCS

Nasa 48, 000 na mga indibidwal ang posibleng masawi sa pagtama ng magnitude 7. 2 na lindol sa Greater Metro Manila Area.

Ito ang sinabi ni PHIVOLCS Dir. Teresito Bacolcol, base sa pag-aaral na isinagawa sa magiging lawak ng pinsala ng malakas na lindol.

Maliban sa mataas na bilang ng masasawi, tinataya ring aabot sa 118, 000 ang bilang ng mga indibidwal na seryosong masasaktan.

Samantala,sinabi naman ni OCD administrator Usec. Ariel Nepomuceno lumalabas na aabot sa 3 hanggang 5 milyong na indibidwal ang ma-di-displace o kinakailangang ilikas.

Nabatid na base pa pag-aaral kada 400 taon ang galaw ng West Valley Fault.

Huli itong nagdulot ng lindol noong 1658.

Nangangahulugan ito na ngayong 2024 ay 366 yrs nang nakalipas nang mangyari ito.

Kaya muling iginiit ng OCD na mahalaga ang quarterly earthquake drill dahil sinasanay nito ang publiko na maging handa sa pagtama ng malakas na lindol

Sa pamamagitan kasi nito ay mas maiiwasan ang mas maraming casualties.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *