49-anyos na lalaki, binaril-patay sa Guinayangan, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos umano itong  barilin sa isang niyugan Sa Barangay Calimpak, Guinayangan, Quezon nitong Lunes, Enero 29.

Ayon sa police report, nangangawit umano noon ang biktimang si alyas “Rudy”, 49-anyos, nang dumating ang hindi pa nakikilalang suspek saka binaril sa ulo ang biktima.

Agad na binawian ng buhay si alyas Rudy habang ang suspek naman ay tumakas patungo sa mabundok na bahagi ng lugar.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang malalimang imbestigasyon ng awtoridad upang matukoy ang suspek at ang motibo nito sa pamamaril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *