4th Quarter pay-out ng Social Pension sinimulan na sa bayan ng Basud ngayong araw

CAMARINES NORTE- Sinimulan na sa bayan ng Basud, Camarines Norte ngayuong araw ang 4th quarter pay- out para sa mga benepisyaryo ng Social Pension.

Maaga pa lamang ay nagsimula na ang mahabang pila sa loob ng Basud New Sports Complex ng mga senior citizen mula sa iba’t- ibang Barangay.

Ngayong araw ay 12 Barangay ang naka- schedule ng pay pay- out.

Ngayong umaga ay ang Binatagan, Caayunan, Guinatungan, Hinampacan, Taba- Taba, Lidong at Mangcamagong habang mamayang hapon naman ay Angas, Bactas, Langa, Manmuntay at Laniton.

Nasa 998 ang nakatalang tatanggap ng social pension sa mga nabanggit na barangay.

Bukas sa ikalawang araw ng pay- out ay naka- schedule naman ang Mandazo, Matnog, Oliva, Pagsangahan, Plaridel at San Jose sa umaga at sa hapon naman ay ang Mampili, Mantugawe, Mocong, Pinagwarasan at San Pascual.

Aabot sa 1, 002 ang mga benepisyaryo ng social pension sa mga nabanggit na barangay.

Sa ikatlo at huling araw ng pay- out ay ang mga Barangay naman ng Tacad, San Felipe, Poblacion 2 sa umaga at sa hapon ay ang Poblacion 1, Tuaca at Taisan.

Nasa 947 senior citizen naman ang tatanggap ng kanilang grant.

Sa kabuuan aabot sa 2, 947 ang mga benepisyaryo ng social pension sa 29 na barangay sa naturang bayan.

Ang mga ito ay tatanggap ng P1, 500 para sa tatlong buwang stipend.

Ang pay out ay pinangangasiwaan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Municipal Treasure’s Office.

Ang Social Pension para sa indigent senior citizens ay karagdagang government assistance sa ilalim ng Republic Act 9994 o ang “The Expanded Senior Citizens Act of 2010”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *