5.95 M COVID vaccine doses, naiturok na; 1.54 M Pinoys fully vaccinated na

Nasa halos anim na milyong COVID-19 vaccine doses na ang nababakuna sa Pilipinas.

Batay sa datos ng gobyerno as of June 6, 2021, lumalabas na 5.95 million COVID-19 vaccine doses ang naituturok na sa 4.4 million bilang first doses, habang 1.54 million Filipinos naman ang fully vaccinated.

Nakasaad rin sa datos na ang average number ng doses na naibigay bawat araw sa nakalipas na pitong araw ay nasa 112,621, na may average na 937 active at reporting vaccination sites sa gitna ng naturang period.

Maliban dito, may kabuoang 788,350 doses na naiturok sa 14th week ng COVID-19 vaccination sa bansa, mula sa unang linggo ng inoculation noong Marso na 37,280 vaccine doses lang dahil sa limitadong suplay.

Una nang sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. na may magandang Pasko na naghihintay para sa mga Pilipino ngayong taon sa gitna na inaasahang makakamit ang herd immunity sa 58 million hanggang 70 million ng populayon na makakatanggap ng full doses sa Nobyembre. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *