5-anyos na bata, patay nang gilitan pinsan sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Labis ang pagdadalamhati ng pamilya ng 5-anyos na batang lalaki matapos na gilitan sa leeg ng kaniyang pinsan sa lungsod ng Iriga sa Camarines Sur.

 Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PCPT Belle Celeno, tagapagsalita ng Iriga City Police Station, tanghali nitong Setyembre 30 nang pumasok sa kanilang bagay ang 22-anyos na si “Makoy” , bigla na lamang ginilitan ang leeg ng bata. Dinala sa ospital pero idineklarang dead on arrival ng sumuring doktor.

Napag-alaman ng BNFM na lagi nang kalaro ng bata ang suspek kaya hindi lubos maisip ng kaanak na mangyayari iyon.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang pinaka ugat ng insidente. Nahaharap na sa kasong pagpatay si alyas “Makoy”.

Paalala naman ng pulisya sa mga magulang ang doble pagbabantay lalo na sa mga menor de edad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *