5 arestado sa iligal na tupada sa Matnog, Sorsogon

SORSOGON CITY – Habang ang Sorsoganon ay nakatutok sa laban ng ‘Pambansang Kamao’ na si Manny Pacquiao vs Cuban fighter na si Yordenis Ugas kahapon, Agosto 22, nakatutok naman sa iligal na sugal ang 5 kalalakihan na naaresto ng mga awtoridad matapos na maaktuhang nagsasagawa ng iligal na tupada sa tagong lugar sa Brgy Genablan Oriental, Matnog, Sorsogon.

Kinilala ang mga nadakip na sina Salvador Galida Ligara, 45-anyos, may asawa, magsasaka; Joseph Marchan Pedris, 46-anyos, binata, mangingisda; Ramil Generalo Haylo, 65-anyos, may asawa, karpentero at Darwin Garay Glee, 34-anyos, binata, mangingisda lahat residente ng nasabing barangay at Amando Bordaje Millagracia, 65-anyos, may asawa naninirahan sa Brgy Manurabi ng naturang bayan.

Narekober sa lugar ang 5 panabong na manok, perang taya na umabot sa P1, 350.00, portable na folding cock house, cara y cruz paraphernalia, color games paraphernalia at mga baraha.

Hinala ng mga awtoridad na hindi lamang tupada ang ginagawa ng gambling operator kundi iba pang klaseng sugal. Mahaharap sa kaukulang asunto ang mga suspek.

Naisakatuparan ang raid dahil sa impormasyon na natanggap mula sa isang concerned citizen na sumusuporta sa Matnog Police.

Ang raid ay pinangunahan ni PLt Jose Destacamento sa superbisyon ni PMaj Jeronie Fartinga, 2nd Prov’l Mobile Force Company at ng Intelligence operatives ng 22nd Infantry Battalion.

PHOTOS exclusive for Brigada News FM-Sorsogon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *