5 armadong grupo, inakyat ang barkong nakaangkla malapit sa Batangas port

Ligtas at wala namang nasaktan sa mga tripulante ng barkong inakyat ng limang armadong kalalakihan sa karagatang sakop ng Batangas, pasado alas-3 ng madaling araw kahapon ng Huwebes.

Ayon kay Dr. Joselito Sinocruz, port manager ng Batangas Port, inakyat ng hindi pa nakikilalang limang lalaki na may dalang deadly weapons ang nakaangklang MV 6tons tanker ferry.

Dahil sa takot ay agad na nagsagawa ng distress call ang staff ng barko kung saan rumesponde ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Port Authority (PPA).

Ngunit hindi nasakote ang mga suspek at agad na umalis ang mga ito sakay sa bangka patungo sa Tabangao area ng Batangas.

Wala namang nakuhang gamit ang mga suspek mula sa barko.

Sinabi ni Sinocruz na mula Bataan ang barko na lulan ang mga liquified natural gas o LNG patungo sa isang private port sa Batangas.

Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek at kung ano ang motibo ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *