5 barangay sa So.Cot, nakatanggap ng bagong patrol vehicle

KORONADAL CITY – LIMANG mga barangay sa lalawigan ng South Cotabato ang nakatanggap ng bagong barangay patrol vehicle mula sa provincial government.

Ang mga ito ay ang Barang Guinsang-an, Panay, Sajaneba at M.Roxas sa bayan ng Sto.Niño at ang Barangay El Nonok ng Banga.

Ayon kay El Nonok Punong Barangay Rosemarie Loria, malaking tulong ang naturang sasakyan sa paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan sa barangay lalo na sa panahon ng emerhensya.

Ang South Cotabato ay may 26 bagong single cab pick-up truck na ipamamahagi sa mga barangay na wala pang service vehicles. Pinagsisikapan ng provincial government na mabigyan ang lahat ng 199 barangays ng sasakyan upang may magamit sa delivery ng basic services.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *