5 baril ni Pastor Quiboloy, isinuko sa Regional Civil Security unit ng PRO 11

Limang baril ni Apollo Quiboloy ang isinuko sa Regional Civil Security Unit ng Police Regional Office 11.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, kaninang umaga nang isinuko ng kampo ni Quiboloy ang mga baril matapos bawiin ng Philippine National Police-Firearms and Explosives Office ang License To Own and Possess Firearm nito.

Habang ang 14 na mga armas nito ay isusuko narin anumang oras o araw.

Si Quiboloy ay nahaharap ngayon sa mga kasong child at sexual abuse at nanatiling at large.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *