5 cops, nasa likod ng pagkawala ng e-sabong agent – witnesses

Inihayag ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na inihahanda na nila ang mga kaukulang kaso laban sa limang pulis na tinukoy ng mga testigo, na nasa likod sa pagdukot sa e-sabong “master agent” sa kanyang bahay sa Laguna.

Ayon kay CIDG Director Eliseo Cruz, kino-consolidate na ng mga imbestigador ang mga sinumpaang salaysay ng mga testigo at iba pang mga ebidensya laban sa naturang mga pulis.

Dagdag ni Cruz, apat na mga testigo ang kumilala sa limang suspek na kabilang sa 28 larawan na ipinakita sa kanila ng mga otoridad.

Ang kaso ay may kaugnayan kay Ricardo Lasco, master agent ng e-sabong na dinukot ng humigit-kumulang 10 armadong kalalakihan sa kanyang bahay sa San Pablo, Laguna noong August 30, 2021,

Giit ng CIDG chief na ang naturang mga pulis ay dating nakatalaga sa provincial intelligence branch ng Laguna police provincial office na nakabase sa Sta. Cruz, Laguna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *