5 huli sa iligal na pangingisda sa Oriental Mindoro

Nasa limang mangingisda ang naaresto ng Fishery Management Office-Calapan City katuwang ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard at Bantay Dagat matapos ang mga itong maaktuhan na nagsasagawa ng iligal na pangingisda sa karagatang sakop ng Harca Piloto Island, Calapan City, Oriental Mindoro.

Ang hindi na pinangalanang mga suspek ay pawang mga residente ng Barangay Ibaba West sa naturang lungsod.

Narekober sa mga mangingisda ang isang net bag, flash lights, timbangan, kutsilyo, compressor, box cooler na may sari-saring isda, spear fishing gun, at ang ginamit na bangka na may pangalang Vem Vem.

Ayon sa mga awtoridad, wala ang mga itong Safety, Security, at Environmental Numbering mula sa PCG.

Ang mga mangingisda ay inaresto sa paglabag sa City Ordinance Number 06 Series of 2017 kung saan ipinagbabawal ang paggamit ng compressor sa pangingisda.

I-tinurn over na ang mga naarestong suspek sa Calapan City Police Station at kasalukuyan nang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *